Sabado, Marso 10, 2012

Miss Na Kita!

               Bakit ka ganyan? natitiis mo ako!


      Bakit bigla kang nagbago? Sumusuko ka na ba ng dahil lang doon o may iba pang dahilan?

       May nararamdaman ka ba sa akin o ilusyon ko lang? Bakit ka pa nagpakita ng motibo kung wala lang pala ang lahat ng ito? Yan ang pakiramdam ko!

      Ang saya noong una tayong nagkakilala pero bakit ngayon iba na! Sige unahin mo ang mga bagay na yan, siguro nga mas importante yan.

     Hindi habang buhay nagpaparamdam ako, darating din ang araw na mapapagod ako at ito na nga ang araw na yon. Isa kang duwag!

     Baka kapag naisip mo na ako, iba na nasa isip ko hindi na ikaw! 

     Napapagod na ako! Pakiramdam ko baliwala lang ako sayo;-( Kapag hindi ka pa gumalaw talagang suko na ako.

     Oo miss na kita pero kapag nagtagal ang pagkawala mo, masasanay na akong mabuhay nang wala ka.

Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Sir Jayson,

       Isang guro na naiiba sa lahat,maramig kaibigan dahil siya’y palakaibigan, natatangi sa lahat dahil may naiibang personalidad, maraming nagmamahal dahil siya’y mapagmahal. Iyan ka Sir Jayson. 
    Sa ilang buwan na kami’y iyong tinuruan, marami kaming natutunan at naranasan. Ang mga ito ay tumatak na sa aming puso at isipan. Pasaway man po kami minsan, salamat at patuloy pa rin kayong nandiyan at tumatayo pa rin sa aming harapan upang magbahagi ng kaalaman. Salamat po sa mga pinapatawa at pagtuturo. Bawat klase po natin ay sigurado nang may maiiwan at maiiwang mga ngiti sa aming labi, at iyon po ay aming ipinagpapasalamat sa inyo dahil tinuturuan ninyo kami hindi lamang sa pang akademikong aspeto kundi pati na rin sa sosyal na aspeto. Sa atin pong paghihiwalay, aaunin po naming ang mga alaalang nakasama naming kayo at sana’y ganoon din sa inyo. Sir Jayson, salamat pos a pagiging mabait ninyong guro. “No words can express how much a good person you are”. Sana’y maging guro pa po namin kayo sa susunod. Salamat po at nawa’y patnubayan kayo ng Panginoong Diyos sa inyong nais takbuhin sa buhay.

Ang Aking mga Karanasan sa Filipino 110

        Marami akong karanasan sa Filipino 110. Ang iba’y hindi ko na maalala ngunit magsaai pa rin ako ng ilan sa mga ito .
    Sa Filipino 110, naranasan kong tumawa, makisaya at makipagkilala sa iba. Ang isa sa masasayang parte ng aking karanasan sa sadyek na ito ay tuwing magtuturo ang aming guro at sa kanyang pagtuturo ay may mga pagkakataong siya’y nagpapatawa, ako’y natatawa. Nang dahil doon, mas nagiging interesado akong makinig dahil nagiging masaya na ang palitan ng mga mensahe. Isa pa rito ay kapag may mga aktibidad na pang grupo. Hindi maiiwasang mapunta ka sa isang grupong hindi mo kilala ang iba sa iyong mga kasama, kaya ako ay nakikipagkilala at nakikipagkaiigan. May isang aktibidad noon sa Filipino 110 na siyang naging dahilan upang kami ng aking mga kagrupo ay maging malapitsa isa’t isa. Ito ay ang paggawa ng sanaysay na kung saan ang bawat isa ay kailangang dugtungan ang isinulat ng isa, nagmamadali sa pagsulat ang bawat isa dahil ilang sigundo lang ang ibinigay para magsulat ang bawat isa. Pagkatapos namimg isulat ang mga iyon, kami’y nag usap-usap at tinignan ang isinulat ng lahat, pagkabasa namin ay aming tinawanan ang aming isinulat dahil magkakaslungat ang mga ito at malayo ang ibig sabihin sa isa’t isa. Tinawanan na lang naming ito at hindi na nagsisihan. Ang isa ko pang karanasan ditto ay noong gumawa kami ng aming MTV. Ang ginawa ko sa video ay kumanta. Kumakanta ako noong ako’y bata pa ngunit ngayon malaki na ako ay hindi na. Doon lang nanaman ako kumanta para lang may maitulong sa aming grupo, kaya kahit masakit sa tengang pakinggan ang aking boses, natapos pa rin naman ito sa awa ng Diyos.
       Iyan ay ilan lamang sa aking karanasan sa Filipino 110. Hindi ko man nabanggit lahat, ang masasabi ko lang ay masaya ang mga karanasan ko sa Filipino 110 dahil na rin sa aming guro at mga kaklase at hindi ko ito makalilimutan.

Ang Sining ng Aking Pangalan

         Joyful, paglalarawan nila sa akin

        Expression ng karamihan sa akin

        Natutuwa sa mga palakaibigan

        Nagpapasensiya sa mga kaibigan

        Yan ako, palatawa ngunit totoo

        Lingid sa kaalaman ng ibang tao

        Yang si Jennylyn ay hindi nagbabago

        Nananatiling palatawa’t totoo.



Si P-noy para sa Pinoy

   Marami nang nagdaang mga president sa Pilipinas. Karamihan ay pumanaw na at ang ilan ay narito pa. Ngunit pumanaw man sila, ang kanilang mga ginawa ay mananatili at babalikan pa rin ng mga mamamayan.
      Si Binigno Aquino III o kilala sa tawag na “Nonoy o P-noy” ang kasalukuyang president ng Pilipinas. Siya nga ba ay para sa mga Pinoy? Para sa akin Oo dahil hindi naman lingid sa ating kaalaman na simula ng siya’y umupo sa kanyang pwesto, ang Pilipinas ay yumabong at umangat, hindi man ganoon kaangat ngunit nandoon ang pagaago at makikita ito. Sa kanyang panunungkulan ay nabuhay ang bansang Pilipinas na noon ay pabagsak na dahil sa naunang administrasyon bago ang kanyang administrasyon. Ginagamit niya sa tama ang kaban ng bayan at totoo ang kanyang pagllilingkod sa bayan. Ako’y naniniwala sa kanyang kakayahan dahil simula pa lamang ay nakakitaan na siya ng potensyal at kakayahang magpaunlad at magpabago ng isang bansa na kailangang kailangan ng bansang Pilipinas. Tinutupad na niya ang kanyang sinabing “tuwid na landas”. Siya rin ang nangunguna sa pagsugpo sa mga tiwali sa gobyerno na imbes na magsilbi sa bayan ay sila pa ang naghahari-harian gaya ng kanyang sinabi. Makikita talaga sa kanya na ang kanyang puso ay nasa Pilipino, hindi gaya ng ibang administrasyon na pansariling interes lamang ang iniisip at may sakim na puso.
        Siya na nga ata ang hinihintay ng mga Pilipino at ng bansang Pilipinas. Isang lider na manggunguna sa pagpapaunlad ng kanyang bansa at isang lider na inuuna ang mga mamamayan ng kanyang nasasakupan bago ang kanyang sarili. Ito si P-noy para sa mga pinoy.

Ang Awit ng Aking Buhay

     Lahat tayo ay may kanya-kanyang awit ng buhay. Nakasalalay sa atin kung papaano natin ito lalapatan ng tono at kung papaano natin ito kakantahin o aawitin. Heto at pakinggan ninyo ang awit ng aking buhay.
    Ang aking buhay ay maihahalintulad ko sa awiting pinamagatang Who am I. Bilang isang Kristiyano, importante para sa akin ang panginoong Diyos, “Life is not we called life without God” sabi nga nila. Kapag wala ang Diyos sa atin malamang nilamon na tayo ng kasamaan. Ang kantang ito ay parang ako dahil kapag ako’y may prolema, nanghihina at nawawalan na ng pag-asa, siya’y aking tinatawag at nananalangin sa kanya, hindi ako binibigo dahil nariyan siya para ako’y saluhin, gabayan at kalingain. Gaya nga ng sinasai sa kantang iyan “hear me when Im calling, Lord you catch me when I’m falling. You told me who I am, I am yours.” Kaya ako’y sa Kanya at wala ng iba. Sinasabi rin sa kantang ito na mahina ang tao, gaya ko na makasalanan at madaling matukso ng mga gawang laman ngunit kapag nagkakamali ay humihingi ng tawad sa Diyos at ang Diyos naman ay walang sawang nagpapatawad . Ang Diyos ang siyang humubog sa akin kaya ako’y nananatiling sa kanya.
        

Biyernes, Setyembre 23, 2011

Sampung Taon Mula Ngayon Heto Na Ako!



        Lahat tayo ay may pangarap, mga pangarap na maaabot lamang kapag nagsikap, mga pangarap na sa paglipas ng panahon ay nabuo sa isipan at lumawak, nagsisilbing inspirasyon sa bawat isa kaya patuloy tayong nagtiyatiyaga at nagsisikap. Ito tayo, anumang balakid ay susuungin maabot lamang ang silitang “mithiin”.Marami sa atin na iniisip na ang mga mangyayari pagkalipas ng ilang taon at isa na ako sa mga iyon.

    Sampung taon mula ngayon ay dalawampo’t walong gulang na ako. Sa edad kong ito malamang ay nagtapos na ako sa aking pag-aaral , maaaring ako’y may trabaho na, may sarili ng pera at may mga negosyo ng naipatayo, mga negosyong gaya ng restaurant, grocery store at sariling resort. Gusto kong magkaroon ng resort dahil noong High School madalas kaming pumuntang magkakaibigan sa resort upang ipagdiwang ang kaarawan ng isa sa aming mga kaibigan at kung minsan naman ay para lamang magsaya na noo’y kailangan ko pang tumakas para lamang makasama sa lakad ng barkada. Makikita natin sa lugar na ito na halos lahat ng nagpupunta ay masaya, magkakaibigan man o magkakapamilya ay nagkakasama, tawanan dito, tawanan doon, langoy dito, langoy doon kantahan dito kantahan doon kahit iba iba na ang tono at lyrics ng kanta cge tuloy parin sa pagkanta, kainan kung saan saan at hindi mawawala ang tulakan. Sa lugar na ito’y pansamantalang nakalilimutan ang mga problema kaya ito ang nag-udyok sa akin para mangarap magkaroon ng sariling resort.

     Sa edad kong ito ay naibibigay ko na ang mga bagay na pinapangarap ng aking mga magulang para sa akin at para sa kanilang sarili gaya ng pagkakaroon ng magaganda at magagarang sasakyan na ngayo’y maski motor ay hindi pa namin mabili, lupa na hanggang ngayon ay  hindi pa namin pagmamay-ari ang lupang kinatitirikan ng aming bahay, malaking bahay dahil sa ngayon ang aming bahay ay hindi kalakihan at hindi pa natatapos dahil kapos sa pera, at maaayos na pamumuhay na hanggang ngayon ay hindi pa nararanasan ng aking mga magulang dahil sa kami ay kanila pang pinag-aaral.
     Sa mga panahon ding ito ay may sapat na akong pera at oras para makatulong sa iba, mga taong nangangailangan ng kkalinga’t pagmamahal dahil iniwanng mga taong inaasahang mag aalaga sa kanila. Ang tatlumpong porsyento ng aking kikitain ay mapupunta sa bahay ampunan para makatulongsa kanilang pang-araw araw na pamumuhay at maglalaan din ako ng oras sa kanila upang maramdaman nilang may nagmamahal pa rin sa kanila at para kahit sandali ay may maiwang ngiti sa kanilang mga labi.
     Syempre ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa kung wala ang tulong ng aking pinakamamahal na asawa. Sampung taon mula ngayon marahil may katuwang na ako sa buhay at siya ay ang lalaking kasalukuyan kong hinahangaan at pinapangarap. Maaaring biniyayaan na kami ng isang anak bunga ng aming pagmamahalan. Magkasama namin siyang pinapalaki at magkasama namin hinaharap ang mga pagsubok sa buhay. Kami ay nagtutulungan sa lahat ng pagkakataon at nagkakasundo sa mga bagay-bagay dahil iniintindi at iginagalang namin ang desisyon at pananaw ng bawat isa. Siya ang kukumpleto sa aking pangarap dahil isa siya sa aking pinapangarap.