Bakit bigla kang nagbago? Sumusuko ka na ba ng dahil lang doon o may iba pang dahilan?
May nararamdaman ka ba sa akin o ilusyon ko lang? Bakit ka pa nagpakita ng motibo kung wala lang pala ang lahat ng ito? Yan ang pakiramdam ko!
Ang saya noong una tayong nagkakilala pero bakit ngayon iba na! Sige unahin mo ang mga bagay na yan, siguro nga mas importante yan.
Hindi habang buhay nagpaparamdam ako, darating din ang araw na mapapagod ako at ito na nga ang araw na yon. Isa kang duwag!
Baka kapag naisip mo na ako, iba na nasa isip ko hindi na ikaw!
Napapagod na ako! Pakiramdam ko baliwala lang ako sayo;-( Kapag hindi ka pa gumalaw talagang suko na ako.
Oo miss na kita pero kapag nagtagal ang pagkawala mo, masasanay na akong mabuhay nang wala ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento