Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Ang Aking mga Karanasan sa Filipino 110

        Marami akong karanasan sa Filipino 110. Ang iba’y hindi ko na maalala ngunit magsaai pa rin ako ng ilan sa mga ito .
    Sa Filipino 110, naranasan kong tumawa, makisaya at makipagkilala sa iba. Ang isa sa masasayang parte ng aking karanasan sa sadyek na ito ay tuwing magtuturo ang aming guro at sa kanyang pagtuturo ay may mga pagkakataong siya’y nagpapatawa, ako’y natatawa. Nang dahil doon, mas nagiging interesado akong makinig dahil nagiging masaya na ang palitan ng mga mensahe. Isa pa rito ay kapag may mga aktibidad na pang grupo. Hindi maiiwasang mapunta ka sa isang grupong hindi mo kilala ang iba sa iyong mga kasama, kaya ako ay nakikipagkilala at nakikipagkaiigan. May isang aktibidad noon sa Filipino 110 na siyang naging dahilan upang kami ng aking mga kagrupo ay maging malapitsa isa’t isa. Ito ay ang paggawa ng sanaysay na kung saan ang bawat isa ay kailangang dugtungan ang isinulat ng isa, nagmamadali sa pagsulat ang bawat isa dahil ilang sigundo lang ang ibinigay para magsulat ang bawat isa. Pagkatapos namimg isulat ang mga iyon, kami’y nag usap-usap at tinignan ang isinulat ng lahat, pagkabasa namin ay aming tinawanan ang aming isinulat dahil magkakaslungat ang mga ito at malayo ang ibig sabihin sa isa’t isa. Tinawanan na lang naming ito at hindi na nagsisihan. Ang isa ko pang karanasan ditto ay noong gumawa kami ng aming MTV. Ang ginawa ko sa video ay kumanta. Kumakanta ako noong ako’y bata pa ngunit ngayon malaki na ako ay hindi na. Doon lang nanaman ako kumanta para lang may maitulong sa aming grupo, kaya kahit masakit sa tengang pakinggan ang aking boses, natapos pa rin naman ito sa awa ng Diyos.
       Iyan ay ilan lamang sa aking karanasan sa Filipino 110. Hindi ko man nabanggit lahat, ang masasabi ko lang ay masaya ang mga karanasan ko sa Filipino 110 dahil na rin sa aming guro at mga kaklase at hindi ko ito makalilimutan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento