Miyerkules, Oktubre 5, 2011

Si P-noy para sa Pinoy

   Marami nang nagdaang mga president sa Pilipinas. Karamihan ay pumanaw na at ang ilan ay narito pa. Ngunit pumanaw man sila, ang kanilang mga ginawa ay mananatili at babalikan pa rin ng mga mamamayan.
      Si Binigno Aquino III o kilala sa tawag na “Nonoy o P-noy” ang kasalukuyang president ng Pilipinas. Siya nga ba ay para sa mga Pinoy? Para sa akin Oo dahil hindi naman lingid sa ating kaalaman na simula ng siya’y umupo sa kanyang pwesto, ang Pilipinas ay yumabong at umangat, hindi man ganoon kaangat ngunit nandoon ang pagaago at makikita ito. Sa kanyang panunungkulan ay nabuhay ang bansang Pilipinas na noon ay pabagsak na dahil sa naunang administrasyon bago ang kanyang administrasyon. Ginagamit niya sa tama ang kaban ng bayan at totoo ang kanyang pagllilingkod sa bayan. Ako’y naniniwala sa kanyang kakayahan dahil simula pa lamang ay nakakitaan na siya ng potensyal at kakayahang magpaunlad at magpabago ng isang bansa na kailangang kailangan ng bansang Pilipinas. Tinutupad na niya ang kanyang sinabing “tuwid na landas”. Siya rin ang nangunguna sa pagsugpo sa mga tiwali sa gobyerno na imbes na magsilbi sa bayan ay sila pa ang naghahari-harian gaya ng kanyang sinabi. Makikita talaga sa kanya na ang kanyang puso ay nasa Pilipino, hindi gaya ng ibang administrasyon na pansariling interes lamang ang iniisip at may sakim na puso.
        Siya na nga ata ang hinihintay ng mga Pilipino at ng bansang Pilipinas. Isang lider na manggunguna sa pagpapaunlad ng kanyang bansa at isang lider na inuuna ang mga mamamayan ng kanyang nasasakupan bago ang kanyang sarili. Ito si P-noy para sa mga pinoy.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento