Lahat tayo ay may pangarap, mga pangarap na maaabot lamang kapag nagsikap, mga pangarap na sa paglipas ng panahon ay nabuo sa isipan at lumawak, nagsisilbing inspirasyon sa bawat isa kaya patuloy tayong nagtiyatiyaga at nagsisikap. Ito tayo, anumang balakid ay susuungin maabot lamang ang silitang “mithiin”.Marami sa atin na iniisip na ang mga mangyayari pagkalipas ng ilang taon at isa na ako sa mga iyon.
Sampung taon mula ngayon ay dalawampo’t walong gulang na ako. Sa edad kong ito malamang ay nagtapos na ako sa aking pag-aaral , maaaring ako’y may trabaho na, may sarili ng pera at may mga negosyo ng naipatayo, mga negosyong gaya ng restaurant, grocery store at sariling resort. Gusto kong magkaroon ng resort dahil noong High School madalas kaming pumuntang magkakaibigan sa resort upang ipagdiwang ang kaarawan ng isa sa aming mga kaibigan at kung minsan naman ay para lamang magsaya na noo’y kailangan ko pang tumakas para lamang makasama sa lakad ng barkada. Makikita natin sa lugar na ito na halos lahat ng nagpupunta ay masaya, magkakaibigan man o magkakapamilya ay nagkakasama, tawanan dito, tawanan doon, langoy dito, langoy doon kantahan dito kantahan doon kahit iba iba na ang tono at lyrics ng kanta cge tuloy parin sa pagkanta, kainan kung saan saan at hindi mawawala ang tulakan. Sa lugar na ito’y pansamantalang nakalilimutan ang mga problema kaya ito ang nag-udyok sa akin para mangarap magkaroon ng sariling resort.
Sa edad kong ito ay naibibigay ko na ang mga bagay na pinapangarap ng aking mga magulang para sa akin at para sa kanilang sarili gaya ng pagkakaroon ng magaganda at magagarang sasakyan na ngayo’y maski motor ay hindi pa namin mabili, lupa na hanggang ngayon ay hindi pa namin pagmamay-ari ang lupang kinatitirikan ng aming bahay, malaking bahay dahil sa ngayon ang aming bahay ay hindi kalakihan at hindi pa natatapos dahil kapos sa pera, at maaayos na pamumuhay na hanggang ngayon ay hindi pa nararanasan ng aking mga magulang dahil sa kami ay kanila pang pinag-aaral.
Sa mga panahon ding ito ay may sapat na akong pera at oras para makatulong sa iba, mga taong nangangailangan ng kkalinga’t pagmamahal dahil iniwanng mga taong inaasahang mag aalaga sa kanila. Ang tatlumpong porsyento ng aking kikitain ay mapupunta sa bahay ampunan para makatulongsa kanilang pang-araw araw na pamumuhay at maglalaan din ako ng oras sa kanila upang maramdaman nilang may nagmamahal pa rin sa kanila at para kahit sandali ay may maiwang ngiti sa kanilang mga labi.
Syempre ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa kung wala ang tulong ng aking pinakamamahal na asawa. Sampung taon mula ngayon marahil may katuwang na ako sa buhay at siya ay ang lalaking kasalukuyan kong hinahangaan at pinapangarap. Maaaring biniyayaan na kami ng isang anak bunga ng aming pagmamahalan. Magkasama namin siyang pinapalaki at magkasama namin hinaharap ang mga pagsubok sa buhay. Kami ay nagtutulungan sa lahat ng pagkakataon at nagkakasundo sa mga bagay-bagay dahil iniintindi at iginagalang namin ang desisyon at pananaw ng bawat isa. Siya ang kukumpleto sa aking pangarap dahil isa siya sa aking pinapangarap.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento