Maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang lampara. Ang lampara ay isang bagay na nagbibigay liwanag. Itoy nilalagyan ng Gas upang kapag sinindihan ay may apoy na lalabas kung wala ito walang liwanag na mabubuo. Kagaya ko na kapag wala ang Panginoon Diyos at mga taong tunay na nagmamahal sa akin ako’y hindi buo na para bang putol ang aking mga paa, hindi makalakad , hindi makagalaw at hindi malaman kung ano ang gagawin. Sila ang humuhubog at kumukumpleto sa aking pagkatao.
Ang Liwanag ng apoy naman sa lampara ay smisimbolo sa aking mga pagngiti at pagtawa dahil na rin sa mga taong nagsisilbing inspirasyon sa aking buhay, ang Pangioong Diyos at ang mga taong nagmamahal sa akin ng tunay.
Ang lampara ay ginagamit kapag walang kuryente o kapag madilim ang paligid ngunit kapag meron nang kuryente o kapag maliwanag na ang paligid hindi na ito ginagamit at inilalagay na lamang sa isang tabi. Ang dilim ay maihahalintulad ko sa mga araw na ako’y malungkot dahil sa mga problemang walang katapusan ngunit pinipilit paring maging masaya at maging malakas kahit nanghihina na gaya ng lampara na kahit nasa isang sulok ay naghihintay pa rin ng araw na itoy gamitin muli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento