Sabado, Setyembre 10, 2011

Si Crush



            “Crush is only paghanga”. Iyan ang salitang madalas kong marinig sa ibang tao. Ngunit para sa akin, “crush is not only paghanga, it is also the beginning of love”. Iyan ay opinyon ko lang naman.
    Nagkakacrush ang isang tao sa maraming dahilan. Maaaring may parte ng kanyang mukha ang iyong nagugustuhan gaya ng ilong, mga mata, mahahabang pilikmata, bibig at iba pa. Maaari ring dahil sa pagngiti at pagiging charming nito. Maaari ring dahil gwapo ito. Ang paghanga sa isang tao ay hindi lamang sa pisikal na kaanyuan kundi pati sa pag-uugali at kakayahan. Maaaring sa pagiging palatawa o palabiro nito, pagiging tahimik, pagiging mesteryoso, pagiging matalino o pagiging talented nito. Maaari rin namang buong katawan at buong pagkatao nito ang hinahangaan at nagugustuhan mo. Iba-iba man ang basihan ng pagpili ng crush hindi na mababago ang salitang “crush”. Ako? syempre may hinahangaan din naman gaya mo, gaya nila, gaya ng marami.
        Matagal ko na siyang crush. Hindi ko alam kung ako’y kilala niy basta ako, kilala ko siya. Bawat araw na siya’y aking makita ang araw koy kompleto na. Ang mala anghel niyang mukha ang nakapukaw ng aking atensyon. Maamo at inosente kung siya’y titignan. Ang matangos niyang ilong, matang kayganda, bibig na mapula at hugis ng mukha ang nagpapaganda ng kanyang mukha. Siya’y malinis kung magbihis base sa aking obserbasyon. Madalas siyang nakaputi at suot ang makikintab na sapatos, kung minsan naman ay nakasuot ng desenteng polo at slacks. Iyan ang kanyang suot tuwing siya’y aking nakikita. Iisa ang aming relihiyon kaya si crush ay nakikita ko tuwing huwebes at sabado.
        Third  year siya noong una ko siyang nakita at ngayon siya’y magtatapos na ng sekondarya. Hindi ko inakalang nasa sekondarya si crush noon dahil mature kung siya’y titignan. Mas matangkad si crush kaysa sa akin at natansya ko iyon noong kami’y nagkatapat palabas ng bahay sambahan. Syempre gaya ng nararamdaman ng iba, ako’y kinilig at hindi na naalis sa aking labi ang ngiting abot tenga.
     Isang umaga papuntang CLSU, hindi ko inaasahan ang mga nangyari. Ang xlt na aking sinakyan ay hindi pa puno at puwede pa ang isa o dalawang pasahero. Habang tumatakbo ang sasakyan ako’y nagbabasa nang unti- unting tumigil ang xlt sa mismong tapat ng tinitirahan ng aking crush at heto na nga siya, ang aking crush ay sumakay, sumakay sa xlt na akin ring sinasakyan at nagkatapat pa kami ng upuan. Kinabahan ako at na tense sa mga oras na iyon ngunit hindi ko iyon pinahalata at hindi ko rin pinahalatang siya’y aking pinagmamasdan. Cool pa rin at malinis ang kaniyang hitsura kahit suot niya’y simple. Ito rin ang unang pagkakataong narinig ko ang kaniyang maganda at mahinahong tinig na lalo pang nagpadagdag ng kaniyang appeal.
       Siya ang aking crush, Simple kung pumorma ngunit may dating, hindi sobrang gwapo ngunit perpekto para sa akin at nagsisilbing inspirasyon sa araw araw kong gawain. 




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento