Martes, Agosto 9, 2011

Ang Aking Pamilya

 
    Ang pamilya ay ang pinakasentro ng isang komunidad. Ito'y binunuo ng mga magulang,mga magulang na nagsisilbing ilaw at haligi ng tahanan at mga anak na nagbibbigay saya at sa loob ng tahanan. Sa isang tahanan nariyan ang lungkot at saya. Hindi maiiwasan ang mga problema, mga problemangsumusubok sa tibay at tatag ng samahan ng isang pamilya. Dahil sa pagsubok na ito mas tumatatag pa ang ang pundasyon ng isang tahanan na nagbibigay ng mas masayang samahan.
      Simple lang ang pamilyang aking kinalakihan. Hindi mayaman sa materyalna bagay ngunit mayaman naman sa pagkakaintindihan, kapos sa pangangailangan ngunit napupunan naman ng kalinga't pagmamahal. Hinndi perpekto ngunit aking ipinagmamalake. Sa isang pamilyahindi maiiwasan ang mga problema, problemang maaaring magdulot ng ng pagkasira ng isang pamilya.
    Masaya kaming namumuhay ng aking mga kapatid at mga magulang nang dumating ang isang hamon sa aming samahan. Ang aking ama ay masipag, responsable at mapagmahal hindi sa salita kundi sa gawa. Inuuna na ang aming pangangailangan bago ang aniyang sarili ngunit siya'y unti unting nagbago. Ang pagbabagong iyon pala ay may kahulugan at heto na nga ang aking kinakatakutan. Siya'y naligaw ng landas at nangapitbahay sa matalik pang kaibigan ng aking ina. Halos gumuho na ang aking mundo ngunit ano pa sa aming ina? Ang sakit na naramdaman namin ng aking mga kapatid ay doble o triple o higit pa sa sakit na naramdaman ng aming ina. Halos ma baliw na siya sa pangyayaring iyon, ayaw na niyang kumain, magtrabaho at lumabas naroon na lamang siya sa kaniyang silid at walang tigil sa pag-iyak. Ngunit my awa ang Diyos, hindi niya hinayaaang masira ang aming pamilya ng ganoon na lamang.
    Tama nga ang sabi nilang lahat ng bagay ay nadadaan sa masinsinan at mabuting usapan. Naayos ang lahat pagkalipas ng ilang linggo. Ang aming ina ay unti unti na ng bumalik sa normal at dati nitong pag uugali. Kami namang magkakapatid ay nabunutan na ng tinik at ang aming ama naman ay mas naging responsable pa at mapagmahal na asawa at ama.
   Nangangahulugan lamang ito na ang ganoong problema ay hindi sapat upang ang tibay at tatag ng pundasyon ng aming tahanan ay masira. Ang pagsubok na iyon ay siyang nagpatibay sa samahan naming magpapamilya, nagpabago sa bawat kasapi ng pamilya at nagsilbing aral sa aming lahat.
   Mali ang kasabihang "everyone deserves a second chance" dahil para sa akin kahit third chance o forth chance pa yan o higit pa ay maaari dahil sa dami rami at hndi na mabilang bilang na kasalanan natin sa ating kapwa at sa Diyos heto, narito parin tayo at patuloy na itinatama ang mga maling nagawa. Diyos nga nakakapagpatawad tayo pa kya na nilalang niya lang?
    
       


Ako To!



  Ako si Jennylyn Cornel, masayahing tao kahit maraming problemang pinagdaraanan na normal lang naman sa buhay, may ugaling di kanais nais na lahat naman ng tao ay mayroon dahil lahat naman tayo ay hindi perpekto. Isang taong itinatago ang mga nararamdaman at nananahimik na lamang upang maiwasan ang anumang hindi pagkakaintindihan, ngumingiti na lamang kahit negatibo na ang aking kapaligiran, palabiro minsan at maingay kung ang kasamay mga matalik na kaibigan.Pinipilit at nagpapanggap na malakas kahit nawawalan na ng pag-asa dahil kailangan. Mahilig akong gumihit lalo na noong ako'y nasa Elementary at High School pa ngunit sa pagdaan ng panahon ang pagkahilig ko dito'y nawawala na. Ako'y Iglesia Ni Cristo since Kinder at ito'y aking ipinagmamalake. Positive thinker daw ako yon ang sabi nila. Noong ako'y nag kolehiyo hindi ko na kilala kong sino ako dahil marami nang nagbago dahil na rin siguro sa paglipas ng panahon, impluwensiya ng mga tao sa paligid, pagbabago ng aking ugali at marahil dahil din sa mga pangyayari sa aking buhay. Ako rin ay isang taong maraming katnungan sa buhay na hanggang ngayon ay hindi pa masagot sagot ng kahit sino man ngunit kahit ganoon pa man patuloy pa rin akong nakikipagsapalaran sa buhay gaya ng karamihan.